About Me

My photo
Rocking and Roaring since 1991
satanist

6/13/10

Sa Pag-ibig at Pagkain.


Una, bakit ba nakain ang tao?

1. Kasi gutom siya. Hindi dahil gusto niya kung hindi dahil kailangan niya. Pagganto kahit ano na lang. kasi sabi nga, kahit ano masarap basta gutom.

2. Kasi gusto niya yung ulam. ayun lang, eto kasi yung mga tipo na hindi makaresist. Walang discipline. Masisiba. Greedy. Nice inenglish ko lang.

3. Kasi pinipilit/napipilit siya ng kung sino man. Ewan ko. Peer pressure. Pilit ng pamilya.


Sinabi na pagnagbayad ka na e nagcommit ka na kakain mo yung pagkain na binili mo. Kasi sayang naman pagbumili ka tapos hindi mo naman pala kakain. Maiiwan lang magisa ang pagkain, pero ang mas malala diyan, pwede mo pang ipamigay na lang dun sa mga nangangailangan talaga. Parang ‘pasa na lang kasi kala ko gusto ko e hindi naman pala’. May mga tao din kasi na akala nila masarap dahil sa magandang itsura tapos pagnalasahan na nila e poof, tapon. Ayan tuloy, may mga tira tira na napupulot ng kung sino sino. At yung nakapulot na yun e either swerte(dahil nasarapan siya sa pagkain niya) o malas(dahil nanakit ang tiyan niya).


Pangalawa, iba’t-ibang klase ng pagkain

Time wise:

1. Agahan(Breakfast). Eto ang sinasabi nila na pinakaessential sa lahat ng meal kasi dito ka kukuha ng energy na gagamitin mo sa buong araw. Eto yung pinakauna e, yung maghahanda sayo. Sa totoo lang pwedeng dito palang solve na araw mo e.

2. Tanghalian(Lunch). Well ewan. Eto yung madalas na ginagawa mo. Parang break from everything(lunch break duh). Nageenjoy ka dito. Eto yung sa gitna ng araw mo e, sa rush hour, so pag hindi ka nakapaglunch, sure shot na gutom ang aabutin mo. Not enough energy. Pero, again, maglulunch ka lang naman talaga kung kailangan mo.

3. Hapunan(Dinner). O eto ang the best, eto kasi yung madalas may masarap na ulam sa hapagkainan, at yung ulam na yun ang maramramdaman/maalala hanggang sa mapikit ang iyong mga mata. Unless may……..

4. Hatinggabing meryenda(midnight snack?lol). o eto naman yung mga nararanasan nung mga hindi makatulog. Kung ano ano na lang ang kinakain hanggang sa makaramdam ng antok.

Course wise: (tama ba?haha)

1. Pampagana(appetizer). Eto lang yung maghahanda sayo. Wala lang. patikim.

2. Meyn Kors(Main course). Eto na talaga yun e. yung nakahanda para sayo. Yung inorder mo kasi gusto mo. Yung talagang talaga.

3. Panghimagas(dessert). Optional. Eto yung yung magpapatanggal ng umay mo. Either that pala or gusto mo lang talaga makalimutan ang mapait na lasa ng meyn kors mo. (/wrist)

a.Misc:

a1. Sawsawan - ginagamit lang ‘to para lalo pang sumarap ang ulam mo. Kung hindi ka kuntento sa lasa ng ulam mo e maghahanap ka ng bagay na makapagbibigay ng hinahanap mong lasa.

a2. Side dish - ok nakalimutan ko. Pero isipin natin. nasa side lang siya. Optional siya pero siyempre may mga tao na kukunin lahat ng kaya nila. Mga greedy. hindi naman talaga siya yung ulam pero sige kebs dahil nakahain na siya e patulan ko na din.

Random thoughts:

1. May mga tao na may allergy. Pili lang ang pagkain na mapagpipilian nila. So tatlo lang yan, either tiisin niya yung sakit na nararamdaman niya dahil sa tingin niya ay worth it or magtiyaga siyang maggamot everytime magtrigger ang allergy niya or huwag na siyang kumain nung pagkain na yun.

2. May mga tao na dahil ayaw nila sa ulam nila eh dinudutdot dutdot na lang nila. Kawawa naman yung ulam. baka kahit mga nangangailangan e hindi na yun pansinin.

3. May mga tao na once matikman na yung ulam e yun na yun. Kahit na makakita pa ng mukhang mas masarap, kahit abutan pa ng mas mga ma-class at expensive na pagkain, basta kahit anong mangyari, yung ulam na yun ang mananatiling favorite dish niya.

4. May mga tao na kahit ramdam na hindi compatible ang tiyan niya at ang ulam na kinakain niya eh pinpilit pa din. Yan tuloy napapasama. Nanakit masyado ang tiyan.

5. May mga tao na naghihintay na dumating yung ulam nila. Kahit na walang kasiguraduhan na dadating yun served in a silver platter. Dapat kasi marunong ka din minsan pumunta. Hindi naman lahat ng pagkain idedeliver sayo.

6. May mga tao na kahit masakit pa ang tiyan eh gusto na kaagad kumain. Dalawa lang yan, either nanuneutralize ng kinakain niya currently yung effect nung previous or dahil sa hindi niya lang talaga mapigilan kasi gusto niya talaga yung nakahain ngayon.

7. May mga tao na mapili sa ulam. so kawalan na nila yun dahil makakaramdam sila ng matinding gutom. Swerte na lang sila kung habang buhay na may magaalok sa kanila ng makakain, e minsan kasi pagsobrang tagal na e options na ang mawawala sayo. As in wala.

8. [ Ang kanin? Para sa mga pari yun. Walang ulam e. pero ok lang kasi minsan naman may young corn(feel ko hindi niyo magets.hahaha) ]

9. May mga ulam na hindi para sayo. Hindi mo afford e. out of your league. Kaya hanggang tingin ka na lang. kahit gaano mo kagusto wala e. alam mo na hindi mo kaya. Pwede mong sabihin na gusto mo yun pero hanggang dun na lang yun. Ay oops sa tao pala dapat to.


Ok tama na. Pero ewan. Alam kasi nating lahat na madami talagang tao ang nagugutom. So sana isipin na lang natin na masama magaksaya ng pagkain.

No comments:

Post a Comment