About Me

My photo
Rocking and Roaring since 1991
satanist

5/8/11

Bump

Oh hello dear readers long time no interaction.


Ewan ko kung bakit pero one time naisip ko na gumawa ako ng blog about wrestling pero meh naunahan ako ng cracked.fucking.com eh, as in parang the hours before naisip ko "Hmm makagawa kaya ng blog about wrestling." tapos nung humarap na ako sa laptop naisip ko "Hmm matignan kaya kung may bago sa Cracked" tapos boom may blog entry sila about wrestling. Sa lahat ng taong pwedeng makaisip finally ng topic to update his blog, bakit sa akin pa la la la la la //


Oh well anyway, dahil wala akong maisip na imba na segue from that shit to our main shit, mag-iimbento na lang ako, kaya ko naisip na magblog about wrestling is because I am literally sick of people telling me na hindi naman totoo ang wrestling blah blah blah.


Please, do not try this at home.


Isa kang malaking party pooper kung bigla mo sasabihin na "Hindi naman totoo yan e."


Parang ganto lang:


Wrestling Fan #1: Uy pre World Heavyweight Champ na si Christian sa wakas :o
Wrestling Fan #2: No shit? Natalo niya si Del Rio? Tae akala ko pa naman.
Wrestling Fan #1: Yup, naginterfere si Edge e, tapos ayun nagulat si Del Rio tapos tinulak siya ni Christian.
Godlike_knowitall_realvsnotreal:
 Sus hindi naman totoo yan e blah blah 



Fffuuu, mamatay na yun nagtanong huh? Saka duh kung ayaw mo na pag-usapan namin yun dahil hindi yun "totoo" 'di wag kang manood ng Mara Clara hindi din naman totoo yun e magkaibigan naman talaga sina Mara at Clara. Isipin mo:


Mara Clara Fan #1: Uy pre may sinampal na si Mara sa wakas :o
Mara Clara Fan #2: No shit? Mabait siya di ba? Tae akala ko pa naman.
Mara Clara Fan #1: Yup, nacorrupt na siya ng pera e, tapos ayun nagulat siya tapos sinampal niya yun isa.
Godlike_knowitall_realvsnotreal: Sus hindi naman totoo yan e blah blah.


O fucked up 'di ba, yun lang naman e, walang basagan ng trip please. 


Kung gusto nila na isang Care Bear 'tong monkey na  'to, isa siyang bear na nagcacare digs?

1/15/11

Gut milk?

2:49 am and I'm still up.

Halos kauuwi ko lang, pagod at lahat pero ewan ayaw ko pa matulog e. Gets? Pwedeng pwede na ako matulog pero ayaw ko.

Tagal ko nag-isip ng intro e pero anyway let me bring you to our next shit. May mga bagay na madali gawin pero ayaw natin pero screw that dahil may mga bagay na gusto natin gawin pero hindi natin kaya.

Ewan ko a, pero para sa akin dalawa lang naman ang requirements para magawa mo ang isang bagay. 

Una, meron ka dapat kapasidad (capacity) para gawin yun bagay na yun, sabi nga ni Maxwell Gordon 'Kung hindi ka pilay kayang kaya mo tumakbo kahit kailan at saan mo gusto'. 

Pangalawa, dapat naman meron kang tapang (guts/balls [1]) para gawin ang bagay na yun. Madami naman kasi talagang hindi imposible gawin pero dahil sa takot o sa fucking restrictions e hindi natin magagawa. Kaya mo naman mag master bake sa simbahan pero gagawin mo ba? Hindi naman di ba dahil bawal ang pagkain sa loob ng simbahan. Sobrang dali nga lang din pumatay ng tao e plus sobrang gadaming paraan pa. Gets? May capacity ka pero dahil takot ka hindi mo kaya. Sayang naman sir. Ano gagawin mo sa baril at bala mo kung takot ka magpaputok. Ewan ko a, pero pwede kang mawalan ng capacity para magawa ang isang bagay (except kung may pakpak ka, never ka talaga makakalipad) pero never na never ka mawawalan ng balls [2] dahil lahat tayo ay may balls [3], may mga oras lang na hindi natin 'to nagagamit ng tama.


Kaya naman dahil mahilig ako sa listahan, check niyo 'tong listahan ko kung pano magamit ng tama ang balls niyo at mamotivate ka :>


1. 'Wag mahiya. Sabi nga ng mahal kong kaibigan, wala kang dapat ikahiya pwera na lang kung hubo't hubad ka sa harap ng madaming tao. Sige lang ng sige dahil bukod sa pride, wala naman mawawala sayo kung hihindi siya ng hihindi sa request mo. Laging tandaan na 50 nos and a yes is still a yes. :>


2. 'Wag matakot. Parang yung nasa taas lang. Walang dahilan para matakot ka na mabigo dahil yun nga, may capacity (wala ako makuha na ibang word e) ka naman para gawin yung bagay so hindi 0% yung chance na magsucceed ka. Tandaan na hindi porke't hindi ka pa nagtatagumpay sa isang bagay, habang buhay ka ng mabibigo dahil bukod sa pagbabago at imbang presyo ng fishballs, walang permanenteng bagay sa mundo.




3. 'Wag padalos dalos. Contrary to number 1 and 2, konting ingat lang din, baka kasi mapudpod ng sobra yan hindi mo na talaga magamit kahit kailan. Kung sa tingin mo x is greater than 75% (where x is the chance na you will die), pagnilay nilayan ng mabuti ang gagawin.




Tae wala na ako maisip e suck on this sucky post na lang.


ps. kahit na sobrang madaming akong fucks, never akong mamimigay kasi IDGAF

u mad? :>

1/10/11

Sofa king dead.

Sup.

Ewan ko kung bakit pero madalas na ‘zombie’ zombie’ ‘zombie’ ang pumapasok sa isip ko nitong mga huling araw. Sa mga hindi pa nakakahalata, nasa mainstream na ng pop culture ang zombies, kung tantantsahin mo masasabi mo pa nga na mas nakakalalamang na sila sa mga bampira.

                                          

Kasi naman, kung ang mga bloodsuckers ay nagkaroon ng kapangyarihan na kumintab nitong huling dekada, ang mga flesh eaters naman ay bumilis, tumalino at madami pa ang sumexy.

                                 


Kaya naman dahil sa likas sa akin ang pagiging matulungin, maalalahanin, rakista, at hardcore, naisip ko na gumawa ng listahan ng  DOs and DON’Ts kung sakaling dumating ang ‘zombie apocalypse’. Pero dahil masyado nang madaming similar na listahan, mas cool kung gagawa ako ng listahan ng mga bagay na wala sa tipikal na listahan ng DOs and DON’Ts kung sakaling dumating ang ‘zombie apocalypse’.

1. Itext ang iyong mga magulang. Oo, walang kahit anong “itext” sa kahit anong listahan ng DaDksdaZA. Sigurado dahil inaassume ng ibang manunulat na kasama mo ang mga magulang mo pagdating ng mga zombies. Pero dahil sabi ko nga, na hindi ko gawain ang mag-assume, naisip ko na baka nasa school ako o kaya naman e nasa ‘wala sa bahay’ sa mga oras na yun. Itanong mo kung zombie na ba sila o ang iyong mga kapatid. Kung nagreply ng “D” o kaya naman “Di pa.” agad na umuwi. Kung hindi naman nagtext, isipin mo kng may mahalagang gamit ka ba na naiwan sa bahay, kung oo, agad na umuwi. Kung wala ka naman maisip na worth it balikan, wag na muna umuwi, mag-enjoy muna dahil una: hindi ka papagalitan pag-uwi mo, pangalawa: malaki ang tsansa na sila ay zombie na din OR nakain na.Isipin mo na lang na kung buhay man sila, ito din ang kanilang gugustuhin.


2. Itext  ang iyong mga kaibigan. Kagaya ng nakasaad sa taas, mukang dead set on surviving on your own ang ibang mga gumawa ng listahan. Hindi ako ganun, dahil sunod sa Diyos, pamilya, mga babae at pera, malalapit na kaibigan ang tinuturing ko na pinakamagandang regalo sa akin ng buhay. Isa sa mga pundasyon ng matatag na pagkakaibigan ay ang pagpapakita na nagmamalasakit ka sa kanya sa lahat ng oras, kaya ang simpleng “Sup?” lamang sa mga ganyang oras ay maaring makapagpadulot sa kanya ng hindi mapaliwanag na kaligayahan. Natulungan mo ba ang sarili mo sa pagtetext sa kanya? Siguro hindi, pero malamang pa sa malamang ay natulungan mo siyang mapahaba ang kanyang buhay dahil lang sa simpleng napangiti mo siya, at alam naman natin lahat na less muscle ang ginagamit natin pag tayo ay nakangiti kesa nakasimangot, hence magagamit niya ang remaining muscles niya para mapanatiling buhay ang sarili. Isa pa, maaring may painom siya o may overnight sa bahay niya sa araw na iyon.
u happy?
3. Icheck ang mga online groups. Maaring nasuspinde na ang klase pero mayroon mga guro na talagang strict sa requirements nila, icheck lang saglit araw araw ang iyong Gmail at Ymail para lang sigurado na wala nang interes ang iyong guro na checkan pa ang mga kulang mo na requirements. Mahirap na yung maari ka na ngang maging undead, hindi ka pa ggraduate on time.


4. Huwag ng tangkain pumunta sa mga mall at computer shop, sa halip, pumunta na lamang sa malalapit na kainan. Ang isang shopping mall ay isang lugar kung saan maari mong matagpuan ang lahat ng bagay, kasama na ang tao. Siguro kung hindi ako magaling, unang papasok sa isip ko ang “Hm zombies punta ako Trinoma!” pag bigla ng sumulpot ang mga zombies, pero hindi, magaling ako e, kaya naman “Nah malamang madaming ibagn studyante dun ngayon” ang unang pumasok (at take note, hindi lumabas) sa isip ko. Oo, dahil suspendido ang classes, madaming barkada ang maguusap na magkita na lang dun, magiging isang malaking MRT ang mga malls, lahat may pila, lahat siksikan. At dahil nga sa walang pasok, malamang sa malamang din e sa mga computer shop ang takbo ng mga studyante na sabik na sabik magDOTA, Counter strike, iba pang laro, at group porn. Kaya naman, kung nabasa mo ‘to, sa KFC ka na lang pumunta dahil malaki ang tantsa na hindi na sold out ang double down dun (kahit na bihira na din ata maubusan ngayon).


5. Kung mag-online sa Yahoo messenger, wag mag Busy at siguraduhin na naka-set na mag-iidle ang status mo pag hindi mo nagalaw ang iyong computer in x number of minutes. Simple lang, dahil nga sa madaming zombies paranoid lahat ng tao kaya naman sa oras na magidle ka saglit, may mag-aalala na baka kung napano ka na. Kung ikaw ang nasa kabilang side ng chat box, i-buzz agad siya, kung hindi nag-reply, agad na magpanic at tawagan ang pulis, 911, mga kaibigan at magulang. Matapos magpanic, icheck ang oras, kung past 4am na, magpaalam sa kachat na naka-idle, sabihin mo na ginawa mo ang lahat, magdalas sa Diyos at ipikit ang iyong mga mata. Pagkamulat mo at idle pa din ang kachat mo kagabi, itext mo at (refer to item number 2).


6. Agad na icheck ang home page ng Google at ang emoticons sa Plurk. Hindi na lingid sa ating kaalaman na sumusunod sa uso ang Google at Plurk sa mga pangyayari, lagi silang in style kaya hindi malayo na meron silang bagong pakulo sa mga ganitong oras.


7. Eat healthy foods, exercise regularly and practice proper hygiene. Hindi porke’t may zombies na on your lawn e hindi na wealth ang health. Wealth pa din yun.

Ayan na yun, kaya kung sakaling magkatoo na magkaroon nga ng mga buhay na patay, wag niyo kalimutan na sabihin sa akin ang “Salamat Gerald, malaki ang naitulong mo sa akin.


1/8/11

Hentai lang.

Hindi ko alam kung ano meron at nasa uso ang paghihintay ngayon. At lalong mas wala akong idea kung bakit hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung ano meron at nasa uso ang paghihintay ngayon, kasi alam naman natin lahat na I have all the answers pero oh well, game.


Isa sa mga bagay na pinakaayaw ko na ginagawa ay ang paghihintay, bakit? Sayang lang sa oras. Para sakin hindi naman kasi talaga necessary ang paghihintay e, kaya nga may pinagkakasunduan kayo na oras ng pagkikita e para may common point kayo. Kung dumating ka ng tama sa oras at nahuli siya nasasayo na lang yun kung maghihintay ka pa o hindi na. Pwedeng pwede mo naman siyang iwanan kung sakali  e, pero hindi mo naman gagawin yun 'di ba.


Pero siyempre hindi naman ganyan parati ang kaso. ///


Pano kung naghihintay ka, wala naman pala kayo pinaguusapan? Naisip mo lang na sana baka pwede siya? Kasalanan niya pa ba yun na umasa ka na makakapagkita kayo.


Pano kung matagal ka ngang naghihintay pero dahil lang yun sa ikaw yung napaaga ang dating. Masisisi mo pa ba siya kung masyado kang nadala at nauna ka?


Pano kung naghihintay ka pero wala ka naman pala hinihintay? Akala mo tatagpuin ka niya pero kagaya ng lahat ng akala, mali ang akala mo. Kung may daliri ka wala ka ng ibang matuturuan nun kung sino ang tanga kundi sa sarili mo lang 'di ba. Sobrang tanga mo wala na akong masulat dito e.


Kaya naman hayaan niyo na bigyan ko kayo ng tips kung kayo ay naghihintay/maghihintay:


1. Kung maghihintay ka, siguraduhin na meron kang hinihintay, sabi ko nga kanina isang malaking katangahan ang paghihintay sa wala. Kung wala akong sinabing ganyan kanina, isang malaking katangahan na sinabi ko na "sabi ko nga kanina isang malaking katangahan ang paghihintay sa wala."


2. Kung maghihintay ka, siguraduhin na alam ng hinihintay mo na inaantay mo siya, parang number one lang 'to pero hindi ko nalang buburahin yun number one kasi cool ako. Anyway, ayun nga, dapat pagnagiintay ka wag lang yun nagiintay ka na patanga tanga lang na walang ginagawa, alamin kung may intensyon ba siya na dumating. Wag matakot magtanong, wag matakot malaman ang dapat malaman dahil baka sa bandang huli ay mas lalo ka lang masaktan. Bago hingin ang sagot sa mga katanungan, alamin kung physically/mentally/sexually at spiritually ready na.


3. Kung naghihintay ka, wag mo hayaan na maghintay ka lang like :| na naghihintay. Go \:D/ or \m/. Digs? Wag yun naghihintay ka pero wala kang ginagawa, para kang naghihintay sa wala nun. Gawin ang lahat ng makakaya para maiparating sa hinihintay na hinihintay mo siya. Hindi ka malandi, naghihintay ka lang. :)


4. Kung naghihintay ka, makakatulong kung magseset ka ng maliliit na bagay na hihintayin. Halimbawa, sa isang klase. Sobrang dami mo na nadraw sa likod ng notbuk mo, nakailang beses ka ng pabalik balik sa kubeta at sa sobrang kaboringan ay wala ka nang ibang magawa kung hindi kuwestiyunin ang sarili mo tungko'l sa iba't-ibang bagay, pero pagkatapos mong makilala ng husto ang pagkatao mo, makikita mo na ilang minuto pa lang ang nakakalipas. So ganto nga, kung naghihintay ka (sa example na to: naghihintay ka ng dismissal), magset ka ng mini goals. Halimbawa, palima-limang minuto. Ganun sir, kasi kung ganun, mapapa "Whoa napakabilis naman ng 5 mins ang sarap maghintay hehe" ka ng madaming beses sa isang oras at kalahati. Tapos pagdumating na yung hinihintay mo (sa example na 'to: yung dismissal / 1.30 na oras) mapapa "Whoa napakabilis naman ng dismissal parang 18 na 5 mins lang yun a ang sarap maghintay hehe"


5. At siyempre kung maghihintay/naghihintay ka, dapat ganto:




CHILLAX LANG. 


hihi :>

9/10/10

Misadventurero: "Tol.."



Para cool, basahin mo din 'to. Misadventurero part 1.

Kagaya ng dati, masyadong hiphop ang nasakyan kong jeep sa Katipunan papuntang Cubao. Ewan ko ah, pero tingin ko wala silang idea na puro crap yung pinapatugtog nila sa jeep. Daig pa ang walang silbing useless e.

Anyway, papunta nga ako ng Cubao para doon sumakay ng bus, medyo late na (uhh 12am?) pero kebs lang dahil bukod sa pagkawala ng aking mga mahal na kaibigan, wala akong kinatatakutan. Takot din pala ako sa multo, aswang, ipis, wild animals at kung ano ano pang shit pero nvm that.

That is until bumaba ako ng jeep, fickshut.

Parang kasing normal lang kasi ng la la la la la” yung first few seconds ng paglalakad ko papuntang sakayan. Tapos pagakyat ko ng overpass, biglang may kumulbit sakin. Tumingin ako sa kanya, may tinuro lang na mga jejecap. Okay you suckla la la la la” pa din.

Hindi naman ganun kahaba yung overpass pero para cool sasabihin ko na naglakad-lakad ako hanggang napansin ko na mag-isa lang ako sa overpass. So yung lakad-lakad ko naging lkd-lkd na lang para mas mabilis. May madilim din kasi na part at alam naman nating lahat na kailangan natin matakot sa dilim dahil may nagbabantay doon sa sulok na may hawak na patalim.

Pero kagaya ng kadalasang nagagawa ng mga babae, nagkamali ako ng assumption.

Walang nagbabantay sa dilim pero ang daming lumalapit sakin, mga babae na ang lalaki ng puson. Meron pa ngang mga bading na kung may puson man siguro e malaki din yun. Ewan ko ba. I felt So violated. Haplos haplos. Kulbit kulbit. Himas himas.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko. Natakot? Ewan.

Bakit nga kaya ganun ang reaksyon ko sa mga bugaw. Yung sa bading yes reasonable naman di ba, e pero dun sa mga mukang nanay na walang anak natakot din ako? Hm. Kasi naman sila, bakit ba nila ako sinugod ng ganun. Mali ata na inexpose ko masyado yung biceps ko e. Pero oh well, that’s life.

So dahil nabanggit na lang din natin ang bitchass, magcategorize na lang din tayo para cool. (wala akong alam sa mga pokpok, common sense man):

Tigbebente

Eto yung mga mas mababa pa ang lipad sa ibon na mababa ang lipad. Lakas. Malamang sila yung mga pinakagipit. Malay ko pa ba kung ano ang balak nila kung sakaling mabuntis sila, basta ang alam ko hindi lang cornetto ang maabot ng bente pesos mo. Parang sa cards lang, kung gusto mong matawag na malakas gagastos ka ng sobra, kung gusto mo lang talaga maglaro ‘di magsettle ka sa mura.

Working Citizen

Sila naman yung mga employed unlike sa mga tigbebente. Parang may agency sila na nagpasok sa business that is bitching. Well at least ‘tong mga to medyo maayos kasi may nagfefeed sakanila ng materials to get the job done. Ewan ko lang kung porsiyeporsiyento ba o monthly ang suweldo dito pero masyado na akong awesome para problemahin yun.

Your friend

Sabi nga nga Cute is what we aim for “in every circle of friends there’s a whore, the one who flirts and does a little more. Well this one is absolutely free.

Yo mama

Cause I’m cool like that.

TINDERA SA COURTSIDE GLORIETTA

Ffffffuuuuuuuuuuuuuu. Wala kang silbi. Tonta. Nakakaimbyerna pagmumuka ko. Dahil sikat ako alam ko na nababasa mo ‘to. Mas tamad ka pa sa tamad. Irereport kita noob.


Moving on, nakasakay ako ng bus. Unfortunately, hindi extraordinary yung nasakyan ko. Pag-upo ko binuksan ko yung bintana. Nagulat ako, bigla na lang may kamay na dumaplis sa isa kong kamay.

AWWWW. Isang random-not-so-strange na stranger ang tumulong sakin buksan yung bintana out of nowhere(pero nakaupo lang siya sa likod ko) . Cute little thing :”>. Sayang lang at lalaki din siya. Conversation will roll na sana. Akala ko pa naman ako lang ang /gg sa mundo. Good guy sir.

Siyempre dahil may good guys, may bad guys. Kagaya na lang nitong mama na ‘to. Well hindi naman talaga siya bad guy. Actually hindi talaga, para lang may cool na transition ‘tong entry na ‘to.

Anyhow, so pagdating ko nagtanong ako kung saan pwede sumakay ng jeep. Mabait siya, pinansin ako kahit may katext siya, sabi niya tawid daw ako, pero pwede daw niya ako ihatid dun for 20 pesos. Hindi ko alam sasabihin ko, kasi ang bait niya tapos iturn down ko offer niya? Aw. Confrontation. Tinigil ko na lang yung eye-to-eye contact namin para hindi awkward ang pagdeny ko sakanya. At lumakad ako palayo. Sorry sir, hindi naman po sa wala akong tiwala sa’yo, pero wala lang po akong tiwala sa’yo.


Bakit? Game:


Una, bagong magkakilala pa lang tayo. Oo mabait ka pero paano ko masasabi na hindi mo ko sasaktan in the end? Na wala kang masamang intention? Sayang, kung sana hindi ito yung unang beses na nagtanong ako sayo ng direction baka mas ready ako na um-oo sa offer mo.

Pangalawa, masyado na akong nagtiwala ng madaming bagay sa madaming tao. At kagaya ng mga salitang nasira, nabawasan din ang kakayahan ko na magtiwala. Fucktards.


Ayos gumawa pa ako ng list na dalawa lang ang laman.

Yan yung most of my day that day, pero something else made it.

Isusulat ko sana dito para cool pero may mga mata pa.

Wala akong maisip kung paano ako babalik kung san ako nagsimula(parang dun sa pers taym lang) so mag-iiwan na lang ako ng maganda at super irrelevant na motivational poster sa inyo.

9/5/10

You are not prepared.


Yo.

Paano kung sabihin ko sa'yo na pag nagtanong ka at pagtumingin ka sa pwet ko makikita mo lahat ng gusto mong makita tungkol sa buhay mo. Kung ano mapapangasawa mo, kung ilan kabit mo, kung makukuha mo ba gusto mo, kung ano gagawin mo sa nakuha mong gusto mo, kung paano ka mamatay etc.

Titingin ka pa din ba?

Game. Sige magtanong ka, then tingin dito:


Bitch. Haha. E pano kung ang makita mo diyan e yung ending ng favorite TV show mo o kung sino yung manalo sa UFC magalit ka?

Kung hindi e wag ka ng magbasa, I don't need you.

Wala lang, kasi napaisip lang ako na bakit ganun ang reaction ng ibang tao sa spoilers pag sa isang bagay yun na hindi naman talaga *ganun* kahalaga. Kasi masasayang yung ilang araw ng anticipation mo o months of waiting? Sauce.

E ano naman kung alam mo na yung mangyayari sa ending?

Yes, this is me being a hypocrite. Kasi kahit ako, mababadshot sa fuckers na magyayabang at magpapahanga na napanood na niya ang movie at ipagyayabang ang ending.

Pero di ba minsan masyado tayong curious na kahit yung mga ayaw natin malaman e makakaramdam tayo ng urge na alamin yun kahit na in the end e ika-sakit natin or ikababa ng satisfaction natin. Dafuck.

Kasi kahit ganun naman minsan, kahit alam na natin kung ano yung mangyayari, may boses pa din sa likod ng ating muthafucking heads na nagsasabi na baka hindi totoo yun, baka ito talaga yung mangyayari.

Saka minsan, bumubuo din naman tayo ng speculations e kahit na alam na natin yung katapusan, parang in a way nagseset tayo ng expectations. Every little details na nakikita natin na pwede ipangsupport sa theory natin, ittreat natin as another reason kung bakit tama ka, kung bakit mangyayari yung naisip mo.

Pero kabullshitan lang naman lahat yan.

Kasi in the end, isa lang naman din talaga yung ending. Isa lang din yung pwedeng mangyari. Hindi na mahalaga kung yun yung sinabi sa'yo ng kaibigan mong waf(what a fucker) o isa yun sa mga theories mo. Basta yun yun, at hindi kagaya mo na may pakialam sa ending, walang pakialaman ang ending sayo.

Pero wag kang malungkot.

Hindi naman kasi dapat mahalaga kung ano yung katapusan, mahalaga yung mga nangyari in between. Yung kung paano naging ganun yung outcome. Hindi ka naman nagbabayad ng halos dalawang daan para lang malaman yung ending di ba? Kaya ka pumupunta at pumupunta sa sinehan para i-enjoy yung movie.

Daig mo pa mata ko e, ang labo mo.

Bye bitches.


9/3/10

True Colors, Gay.



Hello. Ano nga pangalan mo?

IT DOESN’T MATTER WHAT YOUR NAME IS.

Moving on, naranasan mo na ba maglaro ng cards? Yung trading card games, yung nilalaro ng mga virgin na obese na zero melatonin sa sistema na almost mga walang buhay sa America, at nilalaro naman ng mga oh so cool guys dito sa kung nasan man ako ah? Wala lang. Ang dami lang nangyayari pagnaglalaro ka e. Ano? So hindi ka pala cool. Eto game:

(Yo, do your research on stuffs na malabo, wala akong balak na ifeed sa’yo lahat dito)

1. Well, may mga something kasi na kailangan iaattach para may something na mangyari like Energy cards, Pokemon tool cards and stuffs sa MTG. May times na mahirap ‘to. Hindi mo kasi alam kung saan ka mag-iinvest. Minsan nga hindi mo pa alam kung kailangan mo na ba mag-attach or something. Kung ako ikaw, basta pwede gawin mo na. Ako yun ah, parang pag may lumabas na chance, go for it. The worst thing that could happen naman e mawala yung investments mo, lahat masayang. Pero sa lahat naman ganun e, hindi mo din naman masasabi na hindi mawawala sa kamay mo yung cards na yun kung hindi mo muna siya ginamit. Eh pano kung may mangyari na hindi mo kontrolado, paano kung ipadiscard sa’yo yan o ipareshuffle? So at least di ba, hindi siya nasayang sa wala. Ulit, ako lang yan.

2. Sa Magic naman, may mga resources na once mo lang magagamit per rotation. Eto yung fun dun e, minsan spent ka na minsan wala ka man lang nagagamit. Mahirap din kasi talaga mag-isip kung ano yung worth it na gawin. So yun lang, use your resources wisely. Mahalaga naman e yung kahit gaano katagal o kahaba, sure shot na mag-uuntap ulit lahat yang mga yan at magagawa mo na ulit yung mga bagay na gusto at dapat mo gawin.

3. Play as if you don’t give a fuck about anyone. Wag kang magpadala sa mga sinasabi ng iba sa mga ginawa mo. Ikaw yung naglalaro, kung ano man yung end result ikaw lang ang maapektuhan, ano ba naman yung gawin mo yung gusto mo para sa sarili mo dahil sa’yo naman yang larong yan in the first place? Pero sige, kaya ka nga may mga kasama para meron mag-guide sayo. Iconsider mo lahat ng sasabihin nila pero never mong gawin yung i-drop mo yung sariling idea mo. Oo, pwede ka nilang sabihin na sana nakinig ka sakin pero di hamak na may tama sa’yo yung “sana ginawa ko na lang yung gusto ko”. Nasa huli ang lahat ng pagsisi, at pinakamasakit yung pagsisi na dahil sa hindi mo ginawa yung gusto mo.

4. Kung iisipin mo madaming good plays yes pero wag mong sasabihin na may nacommit ka na bad play. Why? Kasi wala ka din naman talagang alam sa gagawin ng kalaban mo, lahat naman kasi ng play mo malamang sa malamang e may reaction yung kalaban.


5. Card on the spot: Judge(Pokemon) Idisregard na natin yung effect niya sa kalaban mo. Isipin mo na lang sa kung bakit mo ‘to gagamitin para sa’yo. Pwedeng para makuha mo yung gusto, iririsk mo lahat ng meron ka kahit gaano pa kadami at kagaganda yung mga yun. Ganun e. Kahit na gaano pa kasi kaganda yung meron ka na, kung hindi iyon ang kailangan mo, maglalakas loob ka din na itaya lahat at umasa na makukuha mo yung card na gusto mo.


6. Meta and staples. Eto yung dalawang salita na alam ng lahat? Bakit? IGMG. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa effective na pagha-hype kaya nagkakaroon ng mga ganan. Anyway, this is not of interest dito sa entry na ‘to.

7. ROTATION. Madami nang sinirang pangarap itong bitch na ‘to. Ito yung nag-iisang kayang magdistort ng katotohan. Kahit na hindi mo aminin, ramdam mo ang epekto nyan. Rotation, yung sapilitan na biglang pagiging hindi na legal ng mga cards. So payo lang, magattach ka ng emotional shit sa cards mo pero yung enough lang para magets mo yung ginagawa niya at magwork yung relationship niyo. Kasi lahat ng bagay nawawalan ng halaga. Ang only comfort dito is may chance na mareprint lahat ng yan.

Sige wala na ako maisip, antok na ako.

E ikaw?

As if I care.