Ano ba ang mas masakit. Ang tuluyan na mawalay sa taong mahal mo o ang maghintay sa isang bagay na parang hindi naman dadating.
Kasi may nadinig ako sa mga katabi ko sa dyip. Eto ang usapan nila:
Juan: Pre try mo kaya na tanungin siya. Try mo lang magsorry.
Pedro: Eh para san pa e lagi lang naman ganoon. Saka pucha wala akong ginawa sa kanya.
Juan: E hindi ba sayang? Kasi hindi pa naman talaga niya sinasara ang pintuan para sayo e. Yikie.
Pedro: Loko ano namang masaya dun? E mas maganda nga kung isasara niya lang para wala ng problema.
Juan: O bakit naman? Emo a.
Pedro: E kasi tignan mo. Kung iiwanan niya lang na bukas ang pinto makikita ko pa ang nasa loob. Puwedeng hindi, pero dahil mahal ko nga siya e siyempre pilit akong sisilip. At kadalasan ang mga bagay na nakikita ko sa loob e yung hindi pa magaganda, yung mga nakakasakit lang sakin.
Juan: Oy ayos ah.
Pedro: Saka tol tignan mo. Pagsilip mo sa door pwede niya pang biglang islam sayo yung pinto. O diba. Baka maipit pa mga kamay mo. Baka sa sobrang sakit e hindi mo na magamit pagkatok sa ibang pinto.
Juan: Pero pre..
Pedro: Pero ano? Mabuti pa ngang isara niya na lang kasi para atleast wala akong idea kung may laman ba doon o wala. Di ba? Kasi nakakasakit lang yung katok ka ng katok tapos walang nasagot pero kita mo naman na may tao sa loob...
sayang lang at nauna akong bumaba.
/wrist na you?
No comments:
Post a Comment