About Me

My photo
Rocking and Roaring since 1991
satanist

6/13/10

Same shit, different day.



So long nuts fucking time ago may isang babae at isang lalaki:

“Ano ba?” sabi ni lalaki.

“Ikaw ang ano ba!” sagot ni babae.

“Huh?” takang taka si lalaki.

“Ay grabe hindi talaga tayo magkakaintindihan kahit anong mangyari!” galit na sigaw ni babae.

“Eh lalake ka kasi!” katwiran ni lalaki.

“Tanga ikaw ang lalaki!” galit pa din na sigaw ni babae.

“O e alam mo naman pala bakit ganan ka pa?” takang tanga si lalaki.

“Huh?” galit pa din pero tanong na ni babae.

“Ay grabe hindi talaga tayo magkakaintindihan kahit anong mangyari!” galit na sigaw ni lalaki.

“Ay weh ginaya ako. *blush blush*” pacute ni babae.

“Mahal kasi kita. *whistle whistle*” pacute ni lalaki.

“Aylabyu honey bunch chocolate coated pink frosted donut.*blush blush*” sabay na sabi ni lalaki at babae(or ni babae at lalaki. baka kasi sabihin niyo sexist ako.)

So ayon. Basically ganun ang nangyayari. Away bati hanggang away bati. Kasi kahit anung baluktutin natin hindi talaga ata magkakaintindihan ang mga lalaki at babae. Sorry ah. Sa tingin ko lang naman. Kasi kahit gaano pa kayong nagmamahalan e hindi maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaunawan. So in our(or my) defense, magsosoliloki na lang ako:

Mga babae,



Huwag kayong magalit sa amin kung busy kami sa ibang bagay at nawawalan kami ng oras sa inyo dahil panandalian lang naman yun, at sabi nga sa isang forwarded message, babalik at babalik din kami sa inyo sa huli. Hayaan niyo lang kami na magsaya. Huwag niyong itanong samin ang “what could you be doing that is so much? without me by your side...” with matching *sigh* effect kasi, inuulit ko, matatapos din ito at babalik din kami sa inyo. Kayo ang araw namin, sa inyo umiikot ang aming mga mundo.

Huwag niyong sabihin na sobrang insensitive namin kasi pwede din na sobrang sensitive niyo lang. Hindi na natin malalaman kung sino ang sobra hanggang mamatay tayo. At saka wala kaming kapangyarihan na hulaan lahat ng mga nararamdaman niyo ok? Sana sabihin niyo na lang agad para magawan natin ng paraan. Hindi palaging kaya ng sixth sense namin na hulaan ang tinatakbo ng hormones niyo pero prayoridad namin na alagaan kayo hindi lang pagkailangan niyo kami pero palagi.

Huwag niyong iexpect na papayag lagi kaming sumama sa getaway niyo ng barkada niyo lalo na kung all girls. Ok so gusto niyong maging close kami sa kanila. Pero ayaw din namin na maranasan na mapadpad sa ibang planeta. Kahit gaano man namin kagusto na lagi kayong makasama e ayaw namin na maOP sa mga chismis at mabaliw sa mga jargons niyo. Malamang din kasi sa hindi na hindi niyo sa amin ibubuhos ang buo niyong atensyon. Hindi naman namin kayo yayain na sumama pag barkada naman naming ang may trip. At siguro kung yayain man namin kayo e hindi kayo sasama. Siguro lang.

Huwag kayong mainis sa kayabangan namin. Ganun lang talagi kami(or atleast yung mga tunay na lalaki). Gusto lang namin na maging updated kayo sa achievements namin sa buhay. Isipin niyo na lang na kahit gaano kami kayabang, para sa amin e kayo pa din ang pinakamaangas na nilikha ng Diyos. Hindi kayo bababa sa numero uno. Kayo ang finest product ng ebolusyon. Para samin kayo ay perpekto.

Huwag kayong sumabay sa galit namin. Minsan lang naman kami magagalit sa inyo kaya pagbigyan niyo na lang kami. Lambing lang naman mula sa inyo e magiging ok na kami.

Huwag kayong magtaka kung bakit magseselos kami sa ex niyo. Kasi hindi naman kami magseselos ng walang dahilan. Hayaan niyo na lang kasi sila na mamuhay dahil nandito na kami. Sabihin niyo man na nagpromise kayo sa isa’t isa na tight pa din kayo after all those shit eh maghahanap pa din kami ng rason sa kung bakit kelangan niyo pang magkaroon ng koneksyon. Kasi hello nadito na kami at ang mga non-ex-boyfriend friends niyo bakit kailangan mo pa siyang ientertain e hindi na nga mapagtutugma ang brainwaves niyo.(or ako lang ba ang ganito)

Huwag niyong seryosohin lahat ng mga sinasabi namin. Pero pagpinuri namin kayo e totoo yun. Oo may mga lalaking bolero at mga tanga sila. Ok siguro tanga ako. *whistle whistle* Pero pagsinabi namin na “ang ganda mo ngayon ah”. We fucking mean it. Hindi naman sa doon lang kayo maganda pero parang salamat sa effort na ginagawa niyo para samin. Pero huwag kayong masyadong mamroblema sa itsura. Kasi sabi nga ng isa sa mga idol kong philosopher: “Mahal namin kayo dahil sa kung sino kayo at hindi dahil sa kung ano kayo.” Hindi naman kami mababaw na nilalang. Ipagmamalaki namin kayo kahit puno pa kayo ng chikinini sa katawan. Hahalikan namin kayo kahit patulo tulo pa ang sipon niyo at abot tenga ang muta niyo. Dahil pagsinabi naming mahal namin kayo, kasama na noon ang pagsasabi na kayo ang pinakamaganda, pinakasexy, pinakamatalino, pinakamabait at iba pang pinakang positibo.

Huwag kayong masyadong matampuhin. Dadating kasi sa point na mawawalan na kami ng ideya sa kung ano ang dapat at pwedeng gagawin. Mauubusan na kami ng mga bagay na dapat sabihin sa inyo. Mahihirapan na kaming makaisip ng teknik kung pano kayo lalambingin. Masasanay kami na galit kayo sa amin. Mawalan na kami ng gana. Ma…..

“Ay gaga ano yang sinusulat mo?”tanong ni babae.

“Ah wala to honey bunch chocolate coated pink frosted donut. Mwahugz. xXoxOoxxOoX ” lagot si lalaki.

“*hablot* then *basa basa*” <-babae

“Ay ang cool. gagawa din ako ng ganito *blush blush*” <-babae pa din.

“Ay really? *whistle whistle*” <-lalaki.

“Hindi noh pakyu ka!” <-babae.

“Uhm. Susulat ko sana diyan e: ‘buti na lang hindi ganon honey bunch chocolate coated pink frosted donut ko.’ *puppy eyes* ” <-lalaki.

“Ay really? *blush blush*” <- babae.

“Mahal kasi kita. *whistle whistle*” <- lalaki.

“Aylabyu honey bunch chocolate coated pink frosted donut.*kiss kiss*” sabay na sabi ni lalaki at babae(or ni babae at lalaki.)


LOMG.

No comments:

Post a Comment