About Me

My photo
Rocking and Roaring since 1991
satanist

6/13/10

Bawal basahin 'to.


Ulul.

Anyway bakit ba kahit alam na natin na mali at bawal e ginagawa pa din natin? Ewan ko a pero sa tingin ko eh 99% ng mga bawal e yung mga gusto nating gawin. Sino ba kasi ang nakimbento ng mga bawal, kung tutuusin kasi lahat naman pwede, lahat naman kayang gawin. Pwede naman tayong tumawid sa hiway di ba, mamatay nga lang tayo. Kasi naman nagkautak pa tayo ayan tuloy umunti ng umunti mga pwede nating gawin. Buti pa ang mga aso ok lang pagumihi sa kalsada. Buti pa dati nakakapasok ako sa cr ng girls. E pano kung may kinaiinisan ka, siyempre gusto mong suksukan ng drinking fountain ang malaki niyang ulo pero bawal kasi natatakot ka na makulong.

Speaking of takot, sabi dati sa Magic Temple(o Kingdom) ,ang mga duwag daw e matatalino. Naks, hindi nga naman alam ng mga bobo na baka may multo sa dilim, hindi nga naman nila maiisip. Speaking of may mga utak, nagkuwentuhan kami ng roommates ko ng mga nakakatakot na urban legends. Ayun di tuloy namin mapatay ang ilaw. hindi ko rin masara ang pinto ng cr nung umihi ako, ganan ako katalino ladies and gentlemen.

Balik sa topic, ano ba talaga ang bawal? Kasi naguguluhan na ako. Ano ba talaga ang bawal dito, makipagsex habang bata pa o makipagsex ng walang condom o makipagsex ng may suot na condom? Ay ampota.

So ano gusto niyo na bang mamatay kasi sa langit walang bawal?

E sori bawal magpakamatay. My gawd.

No comments:

Post a Comment