About Me

My photo
Rocking and Roaring since 1991
satanist

1/10/11

Sofa king dead.

Sup.

Ewan ko kung bakit pero madalas na ‘zombie’ zombie’ ‘zombie’ ang pumapasok sa isip ko nitong mga huling araw. Sa mga hindi pa nakakahalata, nasa mainstream na ng pop culture ang zombies, kung tantantsahin mo masasabi mo pa nga na mas nakakalalamang na sila sa mga bampira.

                                          

Kasi naman, kung ang mga bloodsuckers ay nagkaroon ng kapangyarihan na kumintab nitong huling dekada, ang mga flesh eaters naman ay bumilis, tumalino at madami pa ang sumexy.

                                 


Kaya naman dahil sa likas sa akin ang pagiging matulungin, maalalahanin, rakista, at hardcore, naisip ko na gumawa ng listahan ng  DOs and DON’Ts kung sakaling dumating ang ‘zombie apocalypse’. Pero dahil masyado nang madaming similar na listahan, mas cool kung gagawa ako ng listahan ng mga bagay na wala sa tipikal na listahan ng DOs and DON’Ts kung sakaling dumating ang ‘zombie apocalypse’.

1. Itext ang iyong mga magulang. Oo, walang kahit anong “itext” sa kahit anong listahan ng DaDksdaZA. Sigurado dahil inaassume ng ibang manunulat na kasama mo ang mga magulang mo pagdating ng mga zombies. Pero dahil sabi ko nga, na hindi ko gawain ang mag-assume, naisip ko na baka nasa school ako o kaya naman e nasa ‘wala sa bahay’ sa mga oras na yun. Itanong mo kung zombie na ba sila o ang iyong mga kapatid. Kung nagreply ng “D” o kaya naman “Di pa.” agad na umuwi. Kung hindi naman nagtext, isipin mo kng may mahalagang gamit ka ba na naiwan sa bahay, kung oo, agad na umuwi. Kung wala ka naman maisip na worth it balikan, wag na muna umuwi, mag-enjoy muna dahil una: hindi ka papagalitan pag-uwi mo, pangalawa: malaki ang tsansa na sila ay zombie na din OR nakain na.Isipin mo na lang na kung buhay man sila, ito din ang kanilang gugustuhin.


2. Itext  ang iyong mga kaibigan. Kagaya ng nakasaad sa taas, mukang dead set on surviving on your own ang ibang mga gumawa ng listahan. Hindi ako ganun, dahil sunod sa Diyos, pamilya, mga babae at pera, malalapit na kaibigan ang tinuturing ko na pinakamagandang regalo sa akin ng buhay. Isa sa mga pundasyon ng matatag na pagkakaibigan ay ang pagpapakita na nagmamalasakit ka sa kanya sa lahat ng oras, kaya ang simpleng “Sup?” lamang sa mga ganyang oras ay maaring makapagpadulot sa kanya ng hindi mapaliwanag na kaligayahan. Natulungan mo ba ang sarili mo sa pagtetext sa kanya? Siguro hindi, pero malamang pa sa malamang ay natulungan mo siyang mapahaba ang kanyang buhay dahil lang sa simpleng napangiti mo siya, at alam naman natin lahat na less muscle ang ginagamit natin pag tayo ay nakangiti kesa nakasimangot, hence magagamit niya ang remaining muscles niya para mapanatiling buhay ang sarili. Isa pa, maaring may painom siya o may overnight sa bahay niya sa araw na iyon.
u happy?
3. Icheck ang mga online groups. Maaring nasuspinde na ang klase pero mayroon mga guro na talagang strict sa requirements nila, icheck lang saglit araw araw ang iyong Gmail at Ymail para lang sigurado na wala nang interes ang iyong guro na checkan pa ang mga kulang mo na requirements. Mahirap na yung maari ka na ngang maging undead, hindi ka pa ggraduate on time.


4. Huwag ng tangkain pumunta sa mga mall at computer shop, sa halip, pumunta na lamang sa malalapit na kainan. Ang isang shopping mall ay isang lugar kung saan maari mong matagpuan ang lahat ng bagay, kasama na ang tao. Siguro kung hindi ako magaling, unang papasok sa isip ko ang “Hm zombies punta ako Trinoma!” pag bigla ng sumulpot ang mga zombies, pero hindi, magaling ako e, kaya naman “Nah malamang madaming ibagn studyante dun ngayon” ang unang pumasok (at take note, hindi lumabas) sa isip ko. Oo, dahil suspendido ang classes, madaming barkada ang maguusap na magkita na lang dun, magiging isang malaking MRT ang mga malls, lahat may pila, lahat siksikan. At dahil nga sa walang pasok, malamang sa malamang din e sa mga computer shop ang takbo ng mga studyante na sabik na sabik magDOTA, Counter strike, iba pang laro, at group porn. Kaya naman, kung nabasa mo ‘to, sa KFC ka na lang pumunta dahil malaki ang tantsa na hindi na sold out ang double down dun (kahit na bihira na din ata maubusan ngayon).


5. Kung mag-online sa Yahoo messenger, wag mag Busy at siguraduhin na naka-set na mag-iidle ang status mo pag hindi mo nagalaw ang iyong computer in x number of minutes. Simple lang, dahil nga sa madaming zombies paranoid lahat ng tao kaya naman sa oras na magidle ka saglit, may mag-aalala na baka kung napano ka na. Kung ikaw ang nasa kabilang side ng chat box, i-buzz agad siya, kung hindi nag-reply, agad na magpanic at tawagan ang pulis, 911, mga kaibigan at magulang. Matapos magpanic, icheck ang oras, kung past 4am na, magpaalam sa kachat na naka-idle, sabihin mo na ginawa mo ang lahat, magdalas sa Diyos at ipikit ang iyong mga mata. Pagkamulat mo at idle pa din ang kachat mo kagabi, itext mo at (refer to item number 2).


6. Agad na icheck ang home page ng Google at ang emoticons sa Plurk. Hindi na lingid sa ating kaalaman na sumusunod sa uso ang Google at Plurk sa mga pangyayari, lagi silang in style kaya hindi malayo na meron silang bagong pakulo sa mga ganitong oras.


7. Eat healthy foods, exercise regularly and practice proper hygiene. Hindi porke’t may zombies na on your lawn e hindi na wealth ang health. Wealth pa din yun.

Ayan na yun, kaya kung sakaling magkatoo na magkaroon nga ng mga buhay na patay, wag niyo kalimutan na sabihin sa akin ang “Salamat Gerald, malaki ang naitulong mo sa akin.


No comments:

Post a Comment