About Me

My photo
Rocking and Roaring since 1991
satanist

6/13/10

Misadventurero: "Kuya pengeng barya."



Madilim na pero maingay pa ang kalsada. Halo halong busina at pagbibidahan ang naririnig ko.

Kagaya ng palaging nangyayari e wala na pala ko sa sarili ko.

Buti na lang hinigit ako pabalik ng isang bata sa mundo.

Walong salita ang nagbigay buhay sa utak kong mahimbing na palang natutulog.

Tol pengeng coins, pambili ko lang ng rice.”

Sosyal tong impakto na to. Ngayon lang ako nakakita ng pulubing konyo.

Pero siyempre hindi ko siya pinapansin dahil baka isipin ng mga tao na tight kami.

Sabi ba naman e:

Sige ganan ka na.”

Wow. Do I know this stupehd bits?


Nagaabang na ko ng jeep. Naiisip ko pa din yung bata. Narealize ko na cool pala siya.

Di siya kagaya ng ibang pulubi na magmamakaawa para bigyan mo ng konting barya.

Humihingi lang siya ng coins para may pambili siya ng rice.

Di siya katulad ng mga kandidato na kung ano ano ang ipapangako para ibigay mo angtiwala” at boto sa kanila. Pero ibang usapan na yun.

Naisip ko tuloy ang mga pulubi.

Saan ba sila nangagaling? Bakit ba sila nagkaganito?

Pinanganak ba talaga sila sa lansangan o dinala lang sila dito?

Bakit ko pa ba pinoproblema ang mga bagay na to?

Bakit hindi? Mga Pinoy din naman sila at tao. Ako Mismo. (wala lang)


Kung mahilig kang maglakad at magchillax sa lansangan e mapapansin mo na may ibat-ibang klase ng pulubi. Ito ang ilan sa mga napansin ko:


1.Beggar/ersmga mas matatanda pa sa akin na nagmamakaawa. Mga tamad este walang talent este nangangailangan ng pangdiaper ni bunso o pambili ng gamot ni junior. Hindi naman ako ang gumawa niyang anak mo, bakit ka sakin hihingi ng panggatas.

2.Impakto-mga batang paslit na biglabigla nalang lalabas sa harap mo. Hindi mo na malalaman kung san talaga sila nanggaling.

3.Bibo-mga batang paslit din na talaga namang friendly. Hindi gaya ng mga impakto, maririnig/matatanaw mo na sila mula sa malayo.

4.Sindikato-mga nagmula sa kung ano mang probinsya na either may sulat na naka-acetate o tambol at singer.

5.Disabled-mga kawawa talaga dahil may mga kapansanan. Pero mapaisip ka kung paano sila nakaabot sa kalsada.

6.Holdapers/Novice/Noobs-mas nakakatakot pa sa mga engkanto. Mga loko-lokong ginagamit ang mga balisong nila para magsalita. Hindi lang barya ang hihingin sayo kundi pati ang wallet,cellphone at alahas mo. Mga pusakal, pussyng kalye sa mahaba.




Kinabukasan naman, papunta na akong CWTS (sa mga hindi nakaalam, uhh, ROTC na lang), napagpasiyahan ko na mas ok maglakad papuntang UP at doon sumakay ng jeep papuntang circle. Early morning exercise ba.

Malakas ang loob ko ngayong araw na ‘to. Di ko alam kong bakit pero paulit ulit kong sinasabi sa sarili na dapat mawala na ang takot ko at mawawala lang yun pagsanay na ako.

Ayos. Nakalimang nga beses ako ngayon araw. Hindi naman sa pagmamayabang pero natatantsa ko na ang tubo. Di ko alam kung saan ko naiwan ang takot ko, nahulog ata ito habang nalundaglundag ako pababa.

HAHA.

Pinakamasayang CWTS ko to so far.


Naisip ko na pumunta talaga ng Bangbang dahil madami daw magandang ukay dun.

Ayos, halos puno na ang jeep na nasakyan ko. Konti na lang lalarga na.

Nagbayad ako ng bente, sabi ko estudyante Lacson, sinuklian ako ng siyete.

May nagtanong, magkano daw hanggang Banaue, sabi ni Manong onse. Sabi ba naman nung nagtanong e araw-araw siyang nasakay at ten lang binabayaran niya. Nagtanong ka pa biatch.

Dahil mabait ako, naisip ko na kelangan kong linisin ang nadungisan na reputasiyon ni Manong, kaya tinanong ko siya kung pano pumuntang Bangbang. Sinagot niya ako ng maayos at nakangiti. Ayon, sana naman naliwanagan na ang mga tao kung sino ang tunay na bad guy sa storya.

Ok, smooth ang traffic.

Pagbaba ko ng jeep habang naglalakad may naisip ako…

Eleven nga lang pala mula Philcoa hanggang Uste. Sinabi na ngang estudyante e.


DAMN YOU MANONG.

Ok, sakay hanggang Retiro tapos sakay ng biyaheng Sta. Cruz.Bambang pala ang pangalan non at hindi Bangbang.

Eto na ang panira ng araw ko.

Una, dalawa lang ang nakita kong ukay dun at muka pang mga tinda sa palengke na hindi nabili ang tinitinda.

Pangalawa, nawala ako.

Ang motto ko kasi sa buhay nung araw na iyon e NO GUTS, NO GLORY kaya sinundan ko na lang yung guts ko na maglakad lakad. Saka naisip ko, hindi nga naman mawawalan ng jeep pa-Quiapo. Ayon, iniwan ako ni muthafaking guts at malala pa, iba yung byahe ng mga jeep na nadaan.

Naglalakad lakad pa ko, wala ng jeep na nadaan pero madami pa ding tao kaya cool lang. Naisip ko, nakaabot na ata ako ng Binondo, seryoso. Puro kasi fried noodles ang specialty ng mga nadaanan kong karinderya, puro Chinese characters din kasi yung sa spelling ng mga nadadaanan kong school.

Focus. Kagagaling ko lang sa CWTS. Maghanap ng reference point. Ewan. Basta maglalakad ako hanggang sa dulo na natatanaw ko na mula sa kinalalagyan ko. Ayun, reference point ba.

Ayos, kahit palayo ng palayo ang dulo e narating ko ‘to. Ayos ulit, may mga jeep na ulit na umaandar, mga papuntang Divisoria, naisip ko na kung san ito nanggagaling e dun ako pupunta kasi sure shot na pa-Recto yun. Mali, naisip ko na paano kung pabalik na sila? Buti taga-UP Diliman ako. Hmm.. Buti may manang, nagtanong ako, tama ang hinala ko, dun nga ko sa kaliwa, dun sa pinanggagalingan nila.

Thank you very much Gloria, buti naimbento mo ang mga police oyster na to. Yo mama so wise.

So lakad lakad, nakaabot nga ako ng Recto. HAHA. Sabi na nga ba. Mula dito e okay na ulit ang buhay ko.


Pabalik na ko sa Diliman.

Madilim na naman pero this time e may background music na ako kaya ok lang.

Biglang may tumabi sa kin. May sinabi pero hindi ko nadinig. Tinanggal ko earphones ko pero sa daan pa din nakatitig mga mata ko. Sabi niya:

“Tol penge na nang barya.”

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako.

“Ikaw na naman.” sabi ko pero sa daan pa din nakatitig mga mata ko.

“Kelangan ko bumili ng rice e.”

Kinuha ko na lang ang coin purse ko at binigyan siya ng barya habang sa daan pa din nakatitig mga mata ko. Nung lumingon na ako e nawala siya sa isang kisapmata. Nakakita na ata ng ibang “tol”.

Tol…

kung asan ka man ngayon..

sana nakabili ka na ng rice mo.

No comments:

Post a Comment