About Me

My photo
Rocking and Roaring since 1991
satanist

1/8/11

Hentai lang.

Hindi ko alam kung ano meron at nasa uso ang paghihintay ngayon. At lalong mas wala akong idea kung bakit hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung ano meron at nasa uso ang paghihintay ngayon, kasi alam naman natin lahat na I have all the answers pero oh well, game.


Isa sa mga bagay na pinakaayaw ko na ginagawa ay ang paghihintay, bakit? Sayang lang sa oras. Para sakin hindi naman kasi talaga necessary ang paghihintay e, kaya nga may pinagkakasunduan kayo na oras ng pagkikita e para may common point kayo. Kung dumating ka ng tama sa oras at nahuli siya nasasayo na lang yun kung maghihintay ka pa o hindi na. Pwedeng pwede mo naman siyang iwanan kung sakali  e, pero hindi mo naman gagawin yun 'di ba.


Pero siyempre hindi naman ganyan parati ang kaso. ///


Pano kung naghihintay ka, wala naman pala kayo pinaguusapan? Naisip mo lang na sana baka pwede siya? Kasalanan niya pa ba yun na umasa ka na makakapagkita kayo.


Pano kung matagal ka ngang naghihintay pero dahil lang yun sa ikaw yung napaaga ang dating. Masisisi mo pa ba siya kung masyado kang nadala at nauna ka?


Pano kung naghihintay ka pero wala ka naman pala hinihintay? Akala mo tatagpuin ka niya pero kagaya ng lahat ng akala, mali ang akala mo. Kung may daliri ka wala ka ng ibang matuturuan nun kung sino ang tanga kundi sa sarili mo lang 'di ba. Sobrang tanga mo wala na akong masulat dito e.


Kaya naman hayaan niyo na bigyan ko kayo ng tips kung kayo ay naghihintay/maghihintay:


1. Kung maghihintay ka, siguraduhin na meron kang hinihintay, sabi ko nga kanina isang malaking katangahan ang paghihintay sa wala. Kung wala akong sinabing ganyan kanina, isang malaking katangahan na sinabi ko na "sabi ko nga kanina isang malaking katangahan ang paghihintay sa wala."


2. Kung maghihintay ka, siguraduhin na alam ng hinihintay mo na inaantay mo siya, parang number one lang 'to pero hindi ko nalang buburahin yun number one kasi cool ako. Anyway, ayun nga, dapat pagnagiintay ka wag lang yun nagiintay ka na patanga tanga lang na walang ginagawa, alamin kung may intensyon ba siya na dumating. Wag matakot magtanong, wag matakot malaman ang dapat malaman dahil baka sa bandang huli ay mas lalo ka lang masaktan. Bago hingin ang sagot sa mga katanungan, alamin kung physically/mentally/sexually at spiritually ready na.


3. Kung naghihintay ka, wag mo hayaan na maghintay ka lang like :| na naghihintay. Go \:D/ or \m/. Digs? Wag yun naghihintay ka pero wala kang ginagawa, para kang naghihintay sa wala nun. Gawin ang lahat ng makakaya para maiparating sa hinihintay na hinihintay mo siya. Hindi ka malandi, naghihintay ka lang. :)


4. Kung naghihintay ka, makakatulong kung magseset ka ng maliliit na bagay na hihintayin. Halimbawa, sa isang klase. Sobrang dami mo na nadraw sa likod ng notbuk mo, nakailang beses ka ng pabalik balik sa kubeta at sa sobrang kaboringan ay wala ka nang ibang magawa kung hindi kuwestiyunin ang sarili mo tungko'l sa iba't-ibang bagay, pero pagkatapos mong makilala ng husto ang pagkatao mo, makikita mo na ilang minuto pa lang ang nakakalipas. So ganto nga, kung naghihintay ka (sa example na to: naghihintay ka ng dismissal), magset ka ng mini goals. Halimbawa, palima-limang minuto. Ganun sir, kasi kung ganun, mapapa "Whoa napakabilis naman ng 5 mins ang sarap maghintay hehe" ka ng madaming beses sa isang oras at kalahati. Tapos pagdumating na yung hinihintay mo (sa example na 'to: yung dismissal / 1.30 na oras) mapapa "Whoa napakabilis naman ng dismissal parang 18 na 5 mins lang yun a ang sarap maghintay hehe"


5. At siyempre kung maghihintay/naghihintay ka, dapat ganto:




CHILLAX LANG. 


hihi :>

2 comments:

Anonymous said...

puta

Anonymous said...

pota

Post a Comment